Dear Students,
Please click or copy the URL below to search for the article.
http://www.philstar.com/community/Article201005.aspx?articleId=590831&publicationSubCategoryId=503
The story and odyssey of a loving son, a caring brother, a thoughtful uncle, a trusting friend, a passionate mentor, a witty bookworm, a movie addict, a big dreamer, a writer wannabee, and a faithful believer.
Monday, July 26, 2010
A Seaman's WIfe
Please follow link below:
http://www.philstar.com/community/Article201005.aspx?articleId=590831&publicationSubCategoryId=503
Please read the article first then the tasks below:
Guidelines:
http://www.philstar.com/community/Article201005.aspx?articleId=590831&publicationSubCategoryId=503
Please read the article first then the tasks below:
After reading the article, write an essay using the following questions as guide in constructing and in making your essay coherent and effective.
1) What is the article about?
2) As a future seafarer, how does this article affect you?
3) Are you ready for the sacrifice which your future job will demand from you?
4) How will you cope with the challenges?
Guidelines:
Computerized in short bond paper:
(Very Important: Book Antiqua 12, at least 3 paragraphs with an intro, body, and conclusion, 300 words only)
Rubrics:
Content 20
Coherence 20
Mechanics 10
50 points
Wednesday, July 14, 2010
MGA ALAMAT NG MGA UNANG PILIPINO
MGA ALAMAT NG MGA UNANG PILIPINO Ancient Legends and Myths of the Philippine Islands Ang Lawin At Ang Paglikha Sa Daigdig NUONG simula ng daigdig, wala pang lupa. Ang dagat lamang at ang langit ang naruruon, at sa pagitan nila ay isang lawin. Walang tigil ang lipad ng lawin at dumating ang isang araw nang napagod siya. Matagal siyang humanap ng malalapagan subalit walang nakita kaya naisip niyang galitin ang dagat. The Tagalog Myth of Creation Sa puot ng dagat, pinaghahagis niya ng tubig ang lawin hanggang umabot sa langit ang taas ng mga alon. Nagimbal naman ang langit at, upang mapahupa ang mga alon, binagsakan ng maraming bato ang dagat. Sa dami ng bato, nagtumpok-tumpok ito at nabuo ang iba’t ibang pulo sa ibabaw ng dagat. Sa wakas, tumigil ang talon ng mga alon. Inutos ng langit sa lawin na lumapag sa isa sa mga pulo at duon mag-pugad. At huwag nang gambalain ang dagat at ang langit. Mula nuon, tahimik na namuhay ang lawin, at iba pang mga ibon, sa mga pulo sa pagitan ng dagat at langit. Si Malakas, Si Maganda, At Ang Pagdami Ng Tao NANGYARI naman na mag-asawa nuon ang hangin dagat at ang hangin lupa, at may anak sila, si kawayan. Isang araw, lumulutang si kawayan sa tabi ng dagat nang nabangga niya ang paa ng lawin. Nagulat, nasaktan at nagalit, pinagtutuka ng lawin ang kawayan hanggang nabiyak ito. Kaginsa-ginsa, lumitaw sa isang piraso ang isang lalaki, si Malakas. Sa kabilang bahagi, lumabas naman ang isang babae, si Maganda. Sila ang 2 Unang Tao sa daigdig. | |
IPINATAWAG naman ng lindol ang lahat ng ibon at isda upang pag-usapan kung ano ang dapat gawin sa 2 tao. Ipinasiya nila na dapat mag-asawa sina Malakas at Maganda. Nangyari nga ito at marami silang naging mga anak, na pinagmulan ng iba’t ibang tao sa daigdig ngayon. Pagtagal, nayamot ang mag-asawang Malakas at Maganda sa dami ng kanilang mga tamad at walang-pakinabang na mga anak. Nais nilang palayasin lahat subalit hindi nila alam kung saan itatapon ang mga ito kaya nagtiyaga na lamang ang mag-asawa. Dumami pa uli nang dumami ang mga anak sa paglipas ng panahon at nangyari na hindi na nakaranas ng tahimik sina Malakas at Maganda. | Isang araw, hindi na nakatiis si Malakas at, dampot ang isang bakawan, pinagha-hataw ang mga bata. Takbuhan sa takot ang mga anak at nagtago sa iba’t ibang lugar. Ang iba ang nagtago sa mga silid ng bahay, ang iba ay sumingit sa mga dingding. Ang iba ay nagkubli sa mga kalan sa cocina. Ang ibang anak ay tumakas sa labas, habang ilan ay tuluyang lumayas sa dagat. Sa ganitong paraan, nagka-iba-iba ang mga tao na kumalat sa daigdig. Ang mga nagtago sa mga silid ang naging mga pinuno sa mga pulo. Ang mga sumingit sa dingding ang naging mga alipin. Ang mga nagkubli sa mga kalan ay naging mga negro. Ang mga tumakas sa labas ang naging mga malaya. Pagkaraan ng maraming taon, ang mga anak ng lumayas sa dagat ay bumalik, at sila ay mga maputing tao, ang mga dayuhan. |
Subscribe to:
Posts (Atom)